Saturday, October 9, 2010

Feeling lang, ha!

Dear Blogger,

I’ve encountered several of you in the past. Naging active blogger lang, feeling powerful na. Naimbitahan ka  lang sa ilang blogger events, feeling influential na. I get that you like getting invited to blogger events. Kahit ako, natutuwa pag nai-invite. Pero pag hindi ka na-invite, huwag naman sasama ang loob mo.

Alam mo na ikaw ang tinutukoy ko, ang klase ng blogger na feeling offended dahil hindi na-invite the second time sa event. Heller! Give chance to other bloggers naman! Alangan naman pare-parehong bloggers lang ang i-invite ng companies, no? Siyempre, gusto din nila makilala yung ibang bloggers so bakit ka magtatampo?

Para gatecrasher ka lang. Kahit hindi invited sa wedding, ipipilit pa din ang sarili. Nariyang magfi-fish ng invite or outright magtatampo. Minsan, nanunumbat pa. Heller! May ganun?! Be thankful if an invitation was extended to you but don’t take it against the company if it doesn’t. Naisip mo ba na baka naman hindi ikaw ang target market? Puwede ding limited funds ang company? Heller! Hindi naman palabigasang baboy ang mga companies na puwede lang hingan ng hingan ng freebies. Siyempre, may budget din yan. Ikaw kaya ang hingan ko lagi ng freebies?!

Babush! Eklavu!

Hototay

No comments:

Post a Comment